TIWALA si Filipino ring icon Manny Pacquiao na mananalo siya kay Adrien Broner sa kanilang laban sa Enero 20.
“We will be victorious on Saturday night,” wika ni Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, ipagpapatuloy niya ang paghahanda para sa laban nila ni Broner sa Martes hanggang Sabado, subalit magsasagawa lamang ng light training.
“Maganda ‘yung training natin, ‘yung resulta. Maganda ‘yung condition natin, physically, mentally, spiritually. I am prepared,” aniya.
Nitong Linggo, sa halip na magtungo sa gym, si Pacquiao ay nagsimba sa Shepherd Church sa Porter Ranch, California, kasama ang kanyang misis na si Jinkee at ang kanilang bunsong anak na si srael.
Sa kanilang pag-uwi ay maraming fans at kaibigan ang bumisita sa boxing champ.
Isa sa kanila ay si dating Los Angeles Lakers player Ron Artest na kilala bilang Metta World Peace.
“Manny loves basketball and obviously he’s a great boxer and a great person so a really great combination. I like to watch him train,” aniya.
“I think it’s gonna be a really tough fight. Obviously Manny is still in shape and Broner has a lot to prove. And I just wish both of them the best of health,” dagdag pa niya.
Comments are closed.