PACMAN ITATAYA ANG CAREER VS MATTHYSSE

pacquiao vs matthysse

KUALA LUMPUR, Malaysia – Hahamunin ni Filipino legend Manny Pacquiao si  Lucas ‘The Machine’ Matthysse para sa World Boxing Association welterweight belt sa Linggo.

Batid ni Pacquiao na nakataya ang kanyang career sa bakbakang ito na tinaguriang ‘Fight of Champions’.

Si Pacquiao, 39, ay nauna nang pinayuhan na magretiro ng kanyang mga kaibigan, pamilya at maging ng kanyang Hall of Fame trainer Freddie Roach nang isuko niya ang WBO belt kay journeyman Australian Jeff Horn noong nakaraang taon.

Ang ikalawang sunod na kabiguan, sa pagkakatang ito ay laban sa mapanganib na Argentine sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur sa Linggo, ay maaaring tuluyang magparetiro sa Pambansang Kamao.

Subalit ang panalo para kay Pacquiao (59-7-2, 38 KOs), na nagwagi ng world titles sa walong weight divisions sa kanyang matagumpay na 23-year career, ay magpapalawig  sa kanyang legendary status at sa kanyang buhay sa ibabaw ng ring pagkatapos ng kanyang ika-40 kaarawan sa Disyembre

“I am not saying it will be the last (fight), but it will be the basis to think about (whether) to continue or not,” wika ni Pacquiao.

Subalit, naniniwala ang conditioning coach ng ring icon na si Justin Fortune na masasaksihan ng mundo ang ‘dating Pacquiao’ na magpapatahimik sa mga kumukuwestiyon kung may kakayahan pa ang kanyang tumatandang katawan na lumaban sa pinaka-mahusay sa mundo.

Si Pacquiao ay magtatangka sa kanyang ika-60 panalo magmula nang maging pro noong 1995, subalit sa kabila ng pagwawagi sa 38 sa kanyang unang 47 fights sa pamamagitan ng knockout, wala pa siyang napapabagsak na kalaban sa loob ng siyam na taon.

“He looks like the old Pacquiao,” wika ni Fortune patungkol sa Pinoy  boxer.   AFP

Comments are closed.