PACMAN MANANALO VIA DECISION – ANALYST

PACMAN-6

KAPUWA pasok sa 147-lb limit para sa welterweight division sina WBA welterweight champion Manny Pacquiao at American challenger Adrien Broner.

Si Pacquiao ay tumimbang ng 146 lbs, habang si Broner ay may bigat na 146.5 lbs.

Idedepensa ni Pacquiao  ang kanyang korona laban sa 4-division champion na si Broner ngayong araw sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay boxing analyst-referee Rex Tapdasan, kailangan ng Filipino ring icon na maging matalino sa paglaban kay Broner, 29, upang mapanatili nito ang titulo.

Aniya, sa edad na 40, ang Filipino boxing champ ay hindi na kasing galing noong bata-bata pa ito.

“At this stage of his career, three years after the (Floyd) Mayweather fight, Manny Pacquiao is now 40 years old. Admittedly, he’s not the volume puncher, the whirlwind of 5 years ago,” ani Tapdasan, nag-officiate sa mga krusyal na boxing matches.

“The key for Manny Pacquiao is timing and accuracy. Not too much about volume, because at 40 years old he doesn’t have the capability anymore to throw punches in bunches, in all angles. Manny needs to be smart, needs to pick his punches well and make sure there are no accidents,” sabi pa niya.

Naniniwala ang boxing analyst na ang world welterweight title bout sa pagitan ng dalawang boksingero ay maaaring umabot sa dulo sa sandaling magsimula nang saktan ni Pacquiao si Broner.

“(If) Manny Pacquiao connects his punches and Adrien Broner realizes Manny Pacquiao’s punches are too much for him, (Broner) will go inside his shell try to survive like the others and find a way to end the fight in the full route of 12 rounds,” ani Tapdasan.

“Manny Pacquiao will win by decision.”

Comments are closed.