PACQUIAO, THURMAN NASA VEGAS NA

PACQUIAO, THURMAN

MAINIT na sinalubong sina Filipino champ Manny Pacquiao at defending WBA super welterweight champion Keith Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas kahapon, ilang araw bago ang kanilang pinakaaaba­ngang laban sa Linggo, Hulyo 21.

Dumagsa ang mga Pinoy sa Las Vegas sa hotel upang saksihan ang pagdating ni Pacquiao.

Unang dumating si Thurman at inulit niya kung gaano siya kakumpiyansa na mananalo laban sa Filipino ring icon.

Sinabi naman ni Pacquiao na gigil na siya sa kanilang laban makaraang magbanta si Thurman na tatapusin ang career ng 8-division world champion.

Itataya ng wala pang talong si Thurman (29-0, 22 KOs, 1NC) ang kanyang welterweight belt laban sa 40-anyos na si Pacquiao kung saan na­ngako siyang pababagsakin ang Pinoy boxer.

“You are not gonna want to miss this fight, especially because it’s about to be this man’s last fight,” wika ni Thurman nang pormal na ianunsiyo ang kanilang laban noong Mayo.

Nang dumating siya sa MGM Grand ay inulit ni Thurman ang kanyang pangako na tata­lunin si Pacquiao.

“My prediction is I’m going for the knockout. I wanna hit him big, I wanna hit him hard,” ani Thurman.

Ang American bo­xer ay may kaunting size advantage kay Pacquiao, at ito ang kanyang sasamantalahin upang maipalasap sa Filipino icon ang ika-8  professional boxing loss nito.

“He’s a smaller guy. Can he really take the power?” pagtatanong ni Thurman, na nanalo sa pamamagitan ng knockout ng 22 beses sa kanyang  career.

“If he can take the power, then we’re gonna do what we’ve always done. Stick, move, and show him that he can’t touch me when I’m in my groove,” dagdag pa niya.

Gayunman ay inamin ni Thurman na si Pacquiao ay isang ‘pambihirang indibidwal’ at nagpahayag ng pagkabahala sa handspeed ng fighting senator.

“I’ve never seen a fighter in the ring that small with that kinda hand speed. He is a tremendous fighter,” ani Thurman patungkol kay Pacquiao.