NGAYONG 2024, ating ipinagdiriwang ang kanilang ika-12 anibersaryo ng PILIPINO Mirror na may temang “DOSE’NA: 12 YEARS OF GOOD NEWS AND TRENDS.” Ang pahayagang ito ay kilala sa pagbibigay ng maiinit na balita at mahalagang impormasyon sa publiko, ngunit higit pa rito, nagsisilbi rin itong gabay at katuwang ng mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo.
MAIINIT NA BALITA AT MAKABULUHANG IMPORMASYON
Sa loob ng labingdalawang taon, hindi natitinag ang PILIPINO Mirror sa paghahatid ng sariwa at makabuluhang balita mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Mula sa pulitika, ekonomiya, at edukasyon, hanggang sa mga usaping pangkalusugan at kalikasan, palaging nandiyan ang pahayagan upang magbigay ng mga detalyadong ulat na mahalaga sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
KATUWANG SA NEGOSYO
Bukod sa pagiging isang mapagkakatiwalaang balitaan, ang PILIPINO Mirror ay kilala rin sa layunin nitong maging KATUWANG SA NEGOSYO ng bawat Filipino. Sa bawat isyu, tampok ang mga artikulo at kolum na nagbibigay ng praktikal na kaalaman at tips sa pagnenegosyo. Mula sa pagsisimula ng maliit na negosyo, pagpapalago ng kapital, hanggang sa pagsunod sa mga bagong trends sa merkado, tinutulungan ng pahayagan ang mga negosyante na makahanap ng tamang direksyon sa kanilang pag-unlad.
MGA KUWENTO NG TAGUMPAY
Kasama sa selebrasyon ang pagbabahagi ng mga kuwento ng tagumpay mula sa mga negosyanteng Pilipino na natulungan ng PILIPINO Mirror. Ang mga inspirasyonal na kuwentong ito ay patunay na sa pamamagitan ng determinasyon, tamang impormasyon, at gabay, ang tagumpay ay abot-kamay. Ang mga kwentong ito ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang mga negosyante na nais magtagumpay sa kanilang mga sariling larangan.
PAGTANAW SA HINAHARAP
Habang ipinagdiriwang ang ika-12 anibersaryo, patuloy ang PILIPINO Mirror sa pagsusumikap na mapabuti pa ang aming serbisyo sa mga mambabasa. Nakatutok din kami sa pag-inobasyon at pagpapalawak ng aming saklaw upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon. Sa katunayan, maituturing na natatanging Quad Media and PILIPINO Mirror dahil bukod sa pahayagan, mayroon din kaming programa sa radyo na USAPANG PAYAMAN SA DWIZ 882 na kasabay na naipalalabas sa telebisyon na Aliw 23 (free TV) tuwing linggo sa ganap na alas-dos hanggang alas tres nang hapon at streaming live din sa digital platform ng DWIZ at PILIPINO Mirror. Mayroon din kaming bagong programa online na START UP! Usapang Payaman – Online Edition na layon din makapagbigay ng saya at kaalaman o tips sa pagnenegosyo at maraming pang iba. Ang aming misyon ay hindi lamang maghatid ng balita kundi maging isang matatag na katuwang sa pagnenegosyo at pag-unlad ng bawat Pilipino.
DOSE’NA
Ang tema ng “DOSE’NA: 12 YEARS OF GOOD NEWS AND TRENDS” ay sumasalamin sa matatag na dedikasyon ng PILIPINO Mirror sa loob ng labingdalawang taon. Ang aming hangarin na maging katuwang sa negosyo ng bawat Filipino ay isang pangako na patuloy naming tutuparin sa mga susunod pang taon. Sa bawat balita at kaalaman na aming ibinabahagi, patuloy kaming magsisilbing inspirasyon at gabay sa paglalakbay ng mga Pilipino tungo sa mas matagumpay na kinabukasan.
– CRIS GALIT