PAGKAKAISA PALALAKASIN NG SPORTS

ramirez

TINANGGAP ang chairmanship para sa 5th ASEAN Ministerial Meeting (AMMS) on Sports kahapon, pinasalamatan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez si da­ting AMMS-4 Chair at ­Myanmar Deputy Minister Dr. Mya Ley Sein para sa kanilang produktibong hosting ng ASEAN ­cooperation at nangakong patuloy na gagamitin ang sports para palakasin ang pagkakaisa sa ASEAN regions.

“I consider these series of meetings as a great opportunity to learn from our neighbors, and also share with you what we have. Our mission does not start and end in forming policies. It continues on to making these policies work for our countries and our future,” wika ni Ramirez.

Binuo mula sa rekomendasyon ng Mid-Term Review Validation Workshop on ASEAN Work Plan on Sports 2016-2020 sa Myanmar noong nakaraang Mayo, ang mga minister ay nagkasundo na linangin ang ASEAN Work Plan on Sports 2021-2025, kung saan ang mga prayoridad ay nakatuon sa sports for development and peace, sports integrity, sports for all, sport science, sports tourism, at sport industry.

Nagkasundo rin ang mga sports minister na gawing pormal ang pagbuo ng isang Technical Working Group sa pangunguna ng Thailand, kasama ang Indonesia, Malaysia, Singapore, at Vietnam bilang core members at tinanggap ang iba pang miyembro na makibahagi rin sa working group upang makapaghanda sa ASEAN’s Joint Bid para sa FIFA World Cup 2034.

Sa pagtatapos ng AMMS-5 ay nagpahayag ng suporta ang ASEAN nations kay Chairman Ramirez at sa Philippine Sports Commission para sa nalalapit na hosting ng 30th SEA Games sa November at ng 10th ASEAN Para Games sa January 2020.

“Sports is and will always be a universal opportunity to bond, connect and make impossibilities happen. We thank everyone for their support for the 30th SEA Games. We hope to see you in the games next month,” wika ni Ramirez.