PAL PASOK SA TOP 10 SAFEST AIRLINES SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC

PAL-31

PASOK ang Philippine Airlines (PAL) sa top 10 airlines na pinakaligtas sakyan sa gitna ng COVID-19  pandemic.

Ito ay batay sa Safe Travel Score na ipinalabas ng Safe Travel Barometer, isang independent subsidiary ng travel industry advisory at consulting firm VIDEC.

Ayon sa Safe Travel Barometer, nakakuha ang PAL ng rating na 4.2 mula sa pinakamataas na 5.0.

Kapantay ng PAL ang China Airlines, Hawaiian Airlines, AiraAsia at Emirates.

Nanguna sa listahan ang Lufthansa Airlines na nakakuha ng 4.5 rating, sumusunod ang Vistara, Delta Airlines at Allegiant Air na nakakuha ng 4. 4 na rating.

Mahigit 150 airlines ang binigyan ng performance rating batay sa ipinatupad na hakbang at hygiene ng mga ito bilang pag-iingat sa COVID-19 sa kani-kanilang pre, actual at post-flight stage.

Ikinatuwa  naman ng PAL ang natanggap na pagkilala mula sa isang travel industry advisor at consulting firm.

Ayon kay PAL President and Chief Operating Officer Gilbert Santa Maria, nagpapasalamat sila sa hindi nila inaasahang pagkilala.

Sinabi ni Santa Maria na kanilang ikinararangal na binigyan sila ng pagkilala para sa paggawa ng nararapat.

Kasabay nito, tiniyak ni Santa Maria na pananatilihin ng PAL ang ipinatutupad nilang pinakamataas na standards para sa kaligtasan at proteksiyon sa kalusugan ng kanilang mga kasamahan at mga mananakay na kanilang pinangangalagaan. DWIZ 882

Comments are closed.