PAMILYA NG MAGUINDANAO MASSACRE VICTIMS TAKOT SA RESBAK

maguindanao massacre

NAGPAHAYAG ng takot ang mga pamilya ng mga naging biktima ng malagim na Maguin­danao Masascre na baka buweltahan sila ng mga naabsuweltong miyembro ng Ampatuan clan at ng mga nagtatago pang akusado kasunod ng guilty verdict na ibinaba ng ­Quezon City RTC Branch 221 ka­makalawa ng umaga.

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Spokesman, BGen. Bernard Banac, bagaman tuloy-tuloy ang kanilang pagsisikap na matugis ang mga nawawalang akusado ay  halos wala silang impormasyon na nakukuha hinggil sa kung saan nagtatago ang mga ito.

Hinala naman ng militar na posibleng may mga maimpluwensiya o politikong kumakanlong sa mga ito o posibleng pumaloob na rin ang mga teroristang grupo sa takot na mahuli ng mga alagad ng batas matapos na isa-isang nadakip ang kanilang mga kasamahan.

Una ring kinumpirma ni Maguindanao 2nd District Rep. Esmael ”Toto” Mangudadatu na maraming suspek pa ang nakakalaya at ilan sa kanila ay umanib na sa mga armed lawless group.

Sa ngayon ay pinalalakas pa ng PNP at 6th Infantry (Kampilan) Division ang checkpoint operation sa Maguin­danao. VERLIN RUIZ

Comments are closed.