DAPAT na dahan-dahan lang ang pag-aalis sa alert level system upang matiyak na sumusunod pa rin ang publiko sa minimum public health standards, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
“Dahan dahan lang until masanay na tayo at ma-accept na natin na ‘yung new normal natin ay kasama na ‘yung mga health protocols,” sabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa public briefing.
“It does not mean that with lowering the alert levels, we are no longer facing this COVID-19 crisis,” sabi pa ni Castelo.
Hinikayat ng DTI ang mga establisimiyento sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 na mahigpit na sumunod sa health protocols upang maiwasan ang panibagong surge at ang pagbabalik sa mas mahigpit na restriction.
Ayon kay Castelo, patuloy na magsasagawa ang DTI ng on-the-spot monitoring sa business establishments sa Metro Manila, kabilang ang salons, cinemas, recreational venues, restaurants, at gyms upang masiguro na mahigpit nilang ipinatutupad ang minimum public health standard.
Noong nakaraang buwan ay iminungkahi ni presidential adviser for entrepreneurship Jose Ma ‘Joey’ Concepcion III ang unti-unting pag-aalis sa quarantine restrictions kapag humupa na ang COVID-19 cases na dulot ng Omicron variant.