UMAPELA si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mamamayan, gayundin ang mga kandidato, nanalo man o natalo ang mga ito, na makiisa sa gagawin nilang paglilinis sa kapaligiran pagkatapos ng midterm elec- tions na nakatakdang idaos sa Mayo 13.
Ayon kay Uy, bilang mabuting mamamayan, dapat maging kaisa ang lahat sa pangangalaga ng kalinisan sa kapaligiran dahil sa labis na pagkalat ng mga campaign materials.
“We are asking the people to join us and participate in our Operation Hipos Campaign Tarpaulin. This is important because we want to give a good example to everyone that we have to take care of the tarpaulins, campaign tarpaulins because these are addi-tional garbage,” panawagan pa ni Uy, sa panayam ng church-run Radio Veritas.
Hindi lamang naman aniya ang mga mamamayan ang dapat na makiisa sa aktibidad, kundi maging ang mga kumandidato sa eleksiyon, nanalo man o natalo ang mga ito, at ang sinumang may puso para sa kalikasan na tahanan ng mas nakararami.
“So everyone is invited and we are asking every parish, every barrio chapels, every BEC’s, to take care of their own territory sa pagpanghipos [pagligpit] sa mga campaign tarpaulin,” ani Uy.
Ang ‘Operation Clean-up’ ng mga campaign tarpaulin ay sisimulan sa Mayo 14, o isang araw matapos ang halalan.
Layunin nito na maipagtanggol ang mundo sa paglaganap ng karagdagang basura, pagiging mabuting halimbawa sa pangangalaga sa kalikasan at higit sa lahat upang maghilom ang mga hinanakit na idinudulot ng halalan sa kapwa kandidato at botante.
Ayon kay Uy, ang mga naturang matatanggal na tarpaulin ay hindi dapat na sunugin dahil makasisira ito sa ozone layer at mag-dudulot ng polusyon, at sa halip ay i-recycle na lamang.
Ang naturang kampanya ay pangungunahan nina Uy at Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon katuwang ang mga layko ng Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.