(Para maisalba ang airline sector) TRAVEL RESTRICTIONS LUWAGAN

NAGBABALA si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nanganganib bumagsak ang airline sector ng bansa kapag hindi niluwagan ang travel restrictions

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Concepcion na nagpulong sila ng local airline companies —  Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia — para hilingin ang tulong ng pamahalaan na luwagan ang mobility restrictions kapwa sa international at local travelers.

“We have no choice but to save our airlines sector kasi kung masira ang airlines sector, masisira ang tourism sector natin,” ani Concepcion.

“This is the group that we’re trying to help [because] they’re in danger right now. The way I see it, of business viability,” aniya.

“[This is] to protect them from bankruptcy and eventually closing the airlines… the airlines have to be viable,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay inanunsiyo ng flag carrier Philippine Airlines na naghain ito ng bankruptcy sa United States bilang bahagi ng restructuring plan ng kompanya.

Ayon kay Concepcion, ang mahigpit na travel requirements at mobility restrictions na ipinatupad kapwa ng national at local governments sa gitna ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic ay maaaring magresulta sa pagbagsak ng local aviation industry.

“If the airlines do not become viable and they close masisira ang ibang sector natin like tourism. Malaking damay ang mangyayari dito,” ani Concepcion.

Kabilang sa panukala ng mga airline ay ang pagbabawas sa  10-day quarantine period para sa incoming travelers sa pitong araw dahil magastos ito para sa kanila.

Hiniling din ng mga airline na dagdagan ang mobility ng mga bakunadong Pinoy para mabawi nila ang ilan sa bilyong pisong nawala magmula nang tumama ang COVID-19 pandemic noong March 2020.

7 thoughts on “(Para maisalba ang airline sector) TRAVEL RESTRICTIONS LUWAGAN”

Comments are closed.