PATAKARAN SA PRO-AM SPORTS DAPAT NANG PALUWAGIN

pick n roll

DAPAT na bang magbalik sa face-to-face training ang mga miyembro ng Philippine Team?

Kating-kati na rin ang mga atletang propesyunal para sa aktuwal na labanan sa isang normal na set-up at sa harap ng nagbubunying crowd. Limitado pa ang galaw ng atleta. May mangilan-gilan na boxing promotion, ngunit bawal pa rin ang audience.

Tulad ng ibang sektor, apektado rin ang sports sa pandemya. Sa level ng propesyunal, marami ang nawalan ng hanapbuhay, habang ang mga amateur ay nagtitiis na lamang sa online platform.

Sa pinakabagong datos, umabot na sa 81% ng populasyon sa National Capital Region (NCR) ang may kumpleto nang bakuna at kasabay ng pagbubukas ng mas maraming negosyo, nabuksan na rin ang pintuan ng maraming tahanan hindi lamang para makabalik sa trabaho, kundi para makapamasyal at para sa mga seniors na makapagbanat ng buto.

Sa mata ng mga economic manager, napapanahon na para makabawi ang ekonomiya. Sa mga health expert, may banta pa rin ang panganib ng hawaan. Ngunit para mabalanse, ibigay ang hilig, ngunit kaakibat ang pagsunod sa ipinatutupad na ‘safety and health’ protocol.

Sa mga disiplinado, ayos lang. Sa mga walwal, distansiya, amigo, ang paulit-ulit na paalala. Bekenemen.

Disiplina ang pundasyon ng isang matagumpay na atleta. Kaya  hindi magiging suliranin sakaling paluwagin na rin ang mga panuntunan para makabalik sa Rizal Memorial Sports Center sa Manila, Philsports sa Pasig, Baguio Training Center at sa Clark Sports Center ang mga atleta para makapag-ensayo nang sama-sama at mapaghandaan ang mga nakalinyang international tournament tulad ng SEA Games at Asian Games.

Kumikilos ang Philippine Sports Commission (PSC) sa amateur sports at ang Games and Amusements Board (GAB) sa propesyunal sports batay sa Joint Administrative Order (JAO) na isinumite at aprubado ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa ngayon, wala pang abiso mula sa IATF para payagan na ang combat training at face-to-face scrimmage ng mga atleta. Kung ang mga batang wala pang bakuna at yaong mga senior citizen na mas mahina ang pangangatawan para labanan ang COVID-19 virus ay nagsimula nang magbalik sa Luneta, magpahangin sa BayWalk at magtampisaw sa bagong tourist attraction na Dolomite Beach sa Roxas Boulevard, bakit hindi payagan ang ang atletang Pinoy na magsanay nang magkakasabay.

Tunay na malaking banta pa rin ang COVID-19, subalit kailangang magbalik normal ang kilos ng atletang Pinoy upang hindi sa kangkugan pulutan pagdating ng torneo. Ilang kapitbahay natin ang matagal nang nagsasagawa ng pagsasanay at yaong may malaking pondo ay nagpadala na ng kanilang atleta sa West para magsanay at maghanda.

Hindi natin kailangang gumaya. Mas makatitipid ang pamahalaan kung ang pagsasanay ay sa bansa gagawin kaysa magtungo pa sa abroad ang mga atleta para ipagpatuloy ang naunsiyaming ensayo.

Aprubado na ng Vietnam SEAG Organizing Committee ang pagdaraos ng biennial meet sa Mayo – may anim na buwan na lamang para makapaghanda ang atletang Pinoy. Sa 2019 SEAG edition sa bansa, nakamit ng Pinoy ang overall championship. Sa Vietnam, makaporma kaya tayo? Kung walang tamang preparasyon, paano lalaban ang atletang Pinoy.

Dapat na ring suriin ng IATF ang sitwasyon at paluwagin ang mga probisyon sa JAO. Kailangan ng atletang Pinoy ang aktuwal na laro, at face-to-face training.

Sa professional sports, walang sponsorship at walang promoter na susugal kung hindi naman papayagang manood ang mga aficionados.

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan.

vvv

(Para sa reaksiyon at suhestiyon, ipadala sa [email protected])

8 thoughts on “PATAKARAN SA PRO-AM SPORTS DAPAT NANG PALUWAGIN”

  1. 784272 435717You ought to experience a contest personally of the finest blogs on-line. Im going to suggest this page! 392275

Comments are closed.