PAYO NI MANNY SA LAHAT NG KABATAAN: “HUWAG AWAYIN ANG MAGULANG”

Hindi sumipot si Mommy Dionesia sa kasal nina Manny Pacquiao at Jinkee dahil ayaw niya itong maging manugang.

Ani Manny, ‘Nagpakasal kami ni Jinkee, wala yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee. Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon ang relatives niya. Ang kasama ko, yung kapatid kong isa. Wala na. Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa, pero unti-unti na niyang naintindihan na kaila­ngan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya rin ang magi­ging lola. Nakita niya na masaya ang pamilya namin.

“Ta’s tinutulungan namin siya—kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin.

E, we still love our mother and father.

“Later on, naintindihan naman nila na hindi naman sa habang buhay laging nandiyan sa poder nila ako nakatira, kami nakatira. Later on, naintindihan din.

“Huwag lang natin awayin yung magulang natin. Kasi sa ayaw at sa gusto natin, iisa lang ang magulang natin. Kapag sila nawala, mahirap yun.

“Hindi ko rin naman sinasabi na maka-Mama ako, na Mama’s boy ako. That’s our responsibility. We should love our pa­rents. Palagi ako nag-a-‘I love you’ sa mama ko, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa asawa ko. Sa magandang sitwasyon man o hindi magandang sitwasyon, palagi akong nag-a-‘I love you’ sa kanila.

Kasi, hindi natin alam ang buhay, e. Mamaya wala na tayo, bukas wala na tayo…”

Bravo Manny!