PBA PLAYERS BINALAAN

on the spot- pilipino mirror

DAHIL sa kakulangan ng ebidensiya ay walang mapaparusahan si PBA Commissioner  Willie Marcial kaugnay sa naging controversial o nag-trending na may sumigaw na luto sa PBA bubble game ng Brgy Ginebra at Meralco sa kanilang best-of-five semifinals sa Philippine Cup.

Pero sinabi ni Kume Marcial na kinausap niya ang mga team na maging careful ang mga player at tauhan nila na sinumang mahuli na may sumigaw na hindi kanais-nais sa laro ay siguradong bibigyan ng kaparusahan ng liga.

Deny to death din itong si Reynel Hugnatan ng Meralco  Bolts na siyang itinuturo ng mga netizen na sumigaw umano ng “Luto, luto” sa laban nila ng Gin Kings kung saan nakita siya sa camera na panay reklamo sa mga maling tawag ng referees  Ayon kay Hugnatan, hindi siya nagagalit sa mga fans dahil ‘yun umano ang kanilang opinion. At hindi niya hawak ang pag-iisip ng mga tao. Sinabi ng Boholano player na mahal niya ang mga supporter ng PBA.

Sa totoo lang, mabait itong si Reynel, hindi nga ito pikon sa laro kahit nasasaktan na ay hindi siya gumaganti. Basta siya, laro lang at ang tanging  nasa isip niya ay manalo ang kanyang team.

o0o

Isa na lang ang kailangan ng kampo ni coach Tim Cone upang makausad sa finals. Habang isinusulat ko ito ay naglalaro   sila ng Meralco. Tapusin na kaya ng tropa ni coach Cone ang serye nila ni coach Norman Black? O makaisa pa ang Bolts? Abangan na lamang natin ang resulta  kung naiuwi ng  Ginebra ang unang upuan  sa championship. Habang ang Phoenix ay isa na lang din ang kailangang panalo para rin makapasok sa finals. Ang  Phoenix at Ginebra kaya ang magharap  sa finals?

o0o

Panauhin ngayong umaga sa TOPS forum sina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, Commissioner Eduard Trinidad at Mar Masanguid upang talakayin ang nalalapit na Professional  Sports Summit sa Dec. 5, Bale ito ang pangalawang summit ng GAB via ZOOM teleconferencing.

Makakasama sa panauhin ng TOPS si Philippine Judo Federation president David Carter at  Philippine Squash Academy president Robert  Bachman na pag-uusapan ang Olympic Committee (POC) election sa Biyernes, November 27.

Comments are closed.