PERLAS PUWEDE NA SA PVL

Perlas Spikers

PINAYAGAN na ang Perlas na makapaglaro matapos sumailalim sa ‘health protocol’ at naghihintay sa kanila ang hamon ng Choco Mucho sa pagbabalik ng aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference ngayon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

“Now, we have a chance to fight,” pahayag ng Perlas Spikers sa opisyal na statement matapos makumpleto ang quarantine protocol makaraang magpositibo ang isang staff ng koponan sa COVID-19.

Tatampukan ang Perlas nina Nicole Tiamzon, Cherry Nunag, Joy Doromal, Sue Roces, Jem Ferrer at Jellie Tempiatura, sa pakikipagtuos sa Flying Titans sa alas-4 ng hapon.

Kumpiyansa si Choco Mucho coach Oliver Almadro na makakausad ang koponan matapos ang magkasunod na panalo.

Magtutuos naman sa unang laro sa ala-1 ng hapon ang Creamline, target ang ika-apat na sunod na panalo, laban sa PLDT Home Fibr, bagsak sa 0-3, habang maghaharap ang BaliPure at Cignal HD sa tampok na laro sa alas-7 ng gabi. EDWIN ROLLON

71 thoughts on “PERLAS PUWEDE NA SA PVL”

  1. 845697 10586Quite great written post. It is going to be beneficial to anybody who usess it, including myself. Maintain up the very good work – canr wait to read much more posts. 209772

Comments are closed.