KUMPIYANSA si Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na mahihigitan ng investment promotion agency (IPA) ang 10 percent investment approval growth target nito ngayong 2023.
Sa isang statement, sinabi ni Panga na nakamit na ng PEZA ang 72 percent ng P154.77 billion project registration goal nito para sa taon.
“We are confident that we will exceed our conservative 10 percent growth this year given the increasing number
of ecozone applications filed with our office, as well as big-ticket projects and long-term investments that we expect to register this last quarter of 2023,” sabi ni Panga.
Nauna rito ay sinabi ng PEZA chief na ang pagbabalik sa P300 billion-mark ay “doable” para sa IPA, “if the big (ticket investment) leads (in the pipeline) will proceed with the registration this year.”
Noong 2012 ay naitala ng PEZA ang pinakamataas na investment pledges nito na P312 billion.
Noong Huwebes ay inaprubahan ng PEZA Board ang 27 new at expansion projects na nagkakahalaga ng P14.04 billion, na kinabibilangan ng 11 export enterprises, limang information technology (IT) enterprises, limang facility enterprises, at tig-dalawa sa logistics service enterprises, domestic enterprises at ecozone development.
Ang mga bagong project registrations na ito ay nagpataas sa total investment pledges sa PEZA ng 180 percent
sa P111.21 billion mula January hanggang September ngayong taon mula P39.63 billion approvals sa kaparehong panahon noong 2022.
Ang top foreign sources ng investments sa PEZA para sa taon ay ang Japan, Singapore, Cayman Islands, United Kingdom at South Korea.
“Our sound economic fundamentals, a whole-of-government-approach, coupled with the most aggressive promotion of the Philippines to global investors by President Ferdinand Marcos Jr. through his various working and state visits to other countries, have resulted in this significant development for PEZA,” dagdag ni Panga.
(PNA)