PH ECONOMY BABAGSAK PA NGAYONG TAON

PH ECONOMY3

INAASAHAN ng economic managers ng bansa ang lalo pang paglagapak ng ekonomiya ngayong taon na may lugi  na aabot sa P2.0 trillion, ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Sa isang statement, sinabi ng  inter-agency DBCC na sa kanilang pagtaya, ang gross domestic product (GDP) ay bababa pa sa 2.0% hanggang 3.4% ngayong taon, makaraang bumagsak  ang ekonomiya ng 0.2% sa first quarter, na unang pagkakataon magmula noong 1998.

Isinisi ng gobyerno ang pagbagal sa mga hindi inaasahang pangyayari sa unang tatlong buwan ng taon – pagsabog ng Taal Volcano, pagbagal ng kalakalan sa China, at ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang naunang economic growth target ng pamahalaan ay 6.5% hanggang 7.5%, mula sa nauna pang 7.0% hanggang 8.0%.

“Timely implementation of a well-targeted recovery program, alongside efforts of the private sector, will mitigate the impact of the COVID-19 pandemic,” wika ng DBCC.

“Such a program will help the country regain confidence, attain higher economic growth, and restore employment rates to pre-crisis levels,” dagdag pa nito.

Umaasa naman ang DBCC na makakarekober ang bansa sa 2021 na may GDP growth na 7.1% hanggang 8.1%.

Comments are closed.