ANG matinding epekto ng COVID-19 outbreak sa ekonomiya ng bansa ay kayang mabawi sa kabuuan ng kasalukuyang taon sa kalagayang 5.1 percent growth kumpara sa nakaraang 6.2 percent gross domestic product (GDP) growth para makuha ang target na mula 6.5 hanggang 7.5 per-cent.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa ay ang travel restrictions na matinding nakaapekto sa trourism industry sanhi ng COVIC-19 pandemic.
Inihayag ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pangunguna ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, ang inilaang P27.1 bilyong package of priority actions ng gobyerno para matulungan ang mga frontliner sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), gayundin ang mga matinding hinagupit ng virus.
Nakapaloob sa nasabing package ang government initiatives para mapabilis ang pagsugpo sa COVID-19 at ang recovery efforts sa lahat ng naapektuhan nito.
“First, to ensure that funding is available for the efforts of the DOH to contain the spread of COVID-19 and second, is to provide economic relief to those whose businesses and livelihood have been affected by the spread of this disease,” wika ni Secretary Dominguez, chairman ng Economic Development Cluster (EDC).
Naniniwala naman ang United Nations Economic and Social Commision for Asia and Pacific (UNESCAP) na magpapatuloy ang pag-unlad ng Filipinas sa sandaling malusutan ng administrasyong Duterte ang kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa.
Ang prediksiyon ng UNESCAP ay bunsod ng paglagda ni Presidente Duterte, bago pa man tumama ang COVID-19 sa bansa, sa national budget na umaabot sa P3.7 trillion.
Batay pa rin sa updated growth forecast ng UNESCAP, mas mataas ang growth percentage ng ekonomiya ng bansa kumpara noong nakaraang taon kung ibabase sa actual GDP growth na nagrehistro lamang ng 6.2 percent.
Ayon pa kay Dominguez, mas mararamdaman ng sambayanan ang ‘economic boom’ ng bansa kung magpapakita ng higit na kasipagan sa pagkolekta ng buwis ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Bureau of Customs (BOC).
Sinabi naman ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) na bagama’t bumagsak ang koleksiyon ng BIR at BOC sa nakalipas na taon, muling makaka-recover ang dalawang nasabing ahensiya ngayong taon para matugunan ang ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte.
oOo
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/09266481092 o mag- email sa [email protected].