PHNOM PENH — Pinangunahan ng anak ng isang athletic legend at ng isang bagong Fil-American recruit, ang Pilipinas ay umabante sa finals ng 4×400 men’s relay ng 19th Asian Games makaraang pagharian ang heat 2 sa Hangzhou Olympic Sports Centre Stadium dito nitong Martes.
Pinamunuan ni Fil-heritage athlete Umajesty Williams ang atake ng Pilipinas na may team-best 44.16 seconds, kasunod ang anak ni athletic great Isidro del Prado na si Michael, na naorasan ng 45.88.
Nagsumite sina Joyme Sequita at Frederick Ramirez ng oras na 46.74 at 49.37, ayon sa pagkakasunod, nang pangunahan ng Pilipinas ang heat na may bagong national record na 3:06.15.
Sapat na ito upang talunin ang 3:06.60 ng kapwa final qualifiers Sri Lanka at Korea (3:07.10).
Ang Pilipinas, ang 4×400 champion sa Southeast Asian Games, ay magkakaroon ng repeat showdown sa finals ngayong alas-8:35 ng gabi kontra SEAG runner-up Thailand (national record 3:06.96), Iraq (NR 3:07.58), Bahrain (NR 3:06.2), Korea (NR 3:04.03), India (NR 3:03.81), Sri Lanka (3:06.60) at Qatar (NR 3:01.00).
Ang Philippine team ay suportado ng Philippine Sports Commission.