IBABAHAGI ng Philippine netball team na nag-qualify sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) ang kanilang karanasan sa katatapos na Asian Netball Championships sa kanilang pagbisita sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Bibisita sa weekly sports program sina Team Siklab coach Piao Fedillaga, dating Perlas Pilipinas stalwart Vanch Soriano, at team captain Ken Lomogda.
Ang koponan ay galing sa fifth place finish sa Singapore sa Asian qualifier para sa 2023 Netball World Cup.
Nagbigay ito sa Siklab ng ticket sa 2023 AIMAG na gaganapin sa Thailand sa Nov. 17-26 sa susunod na taon.
Itinataguyod ng San Miguel Corporation, MILO Philippines, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang session ay magsisimula sa alas-10:30 ng umaga.
Ang weekly Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.