UMAKYAT ang Pilipinas ng tatlong puwesto sa Global Innovation Index (GII) 2023 sa 56th mula sa 132 world economies.
Base sa GII ng World Intellectual Property Office, na sumusukat sa kakayahan ng mga bansa para sa ino- basyon at sa kanilang tagumpay sa paggamit nito. ang bansa ay umangat mula sa puwesto nito na 59th noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sa nakalipas na limang taon, ang Pilipinas ay isang outperformer, nalampasan ang mga ekspektasyon sa inobasyon na may kaugnayan sa antas ng economic development nito sa mga bansa.
Ang Pilipinas ay naging bahagi rin ng Top 10 climbers ng dekada 2013 hanggang 2023. Base sa GII 2023, ang Pilipinas ay maganda ang naging performance sa Business sophistication (38th), Knowledge and Technology outputs (46th), at Market Sophistication (55th).
Gayunman, sinabi ng DTI na kailangan pa ng interventions para maisulong ang Human capital and Research (88th), Infrastructure (86th), at Institutions (79th) ng bansa. “As the world accelerates innovation faster than we could have imagined, we must be consistent in our goal of driving innovation across all industries.
We must remain committed to our goal of shaping the future of this country to be a global innovation leader and a breeding ground for technological advancements,” sabi nj Trade Secretary Alfredo Pascual.
“We need to change the mindsets of our people, recommend reforms of institutions, and lead a pathway towards global competitiveness.”