(Pinangangambahan sa pagtaas ng presyo ng patuka sa manok) KAKULANGAN SA SUPPLY NG ITLOG

PINANGANGAMBAHAN na kapusin ang supply ng itlog dahil sa pagtaas ng presyo ng patuka sa manok.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni United Broiler Raisers Association (UBRA) chairman Gregorio San Diego na ang presyo ng mais ay nagmahal mula P14 sa P22 kada kilo.

“Sa patuka ng manok, by volume 50% niyan mais,” aniya.

“Also, soybean prices rose from P27 to P55 per kilogram.”

Nagbabala si San Diego na kapag patuloy na tumaas ang presyo ng chicken feed ay posibleng magkulang ang supply ng itlog sa loob ng anim na buwan.

“Tama sinasabi ng presidente namin na si Ambal na baka in six months baka magkaroon ng shortage kasi kung wala kang kasigurahan na papakain mo sa manok mo, aba’y titigil ka,” aniya, patungkol kay Philippine Egg Board Association (PEBA) president Irwin Ambal.