PINAS NO.1 SA SOUTHEAST ASIA SA TOKYO OLYMPICS

tokyo olympics

TINAPOS ng Pilipinas ang kampanya nito sa Tokyo Olympics bilang top performing Southeast Asian nation.

Sa makasaysayang isang gold, dalawang silvers, at isang bronze, tinalo ng bansa ang Indonesia para sa karangalan sa pagwawagi ng multiple medals sa isang Olympics sa unang pagkakataon magmula noong 1932 Los Angeles Games.

Pinangunahan ni weightlifter Hidilyn Diaz ang medal haul ng Pilipinas nang masikwat ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa quadrennial meet makaraang madominahan ang inaugural women’s 55kg division.

Nakopo naman ng mga Pinoy boxer ang tatlong iba pang medalya — silver kina Nesthy Petecio sa women’s featherweight at Carlo Paalam sa men’s flyweight, at bronze kay Eumir Marcial sa men’s middleweight class.

Tumapos ang Indonesia na may mas maraming medalya sa lima, subalit naungusan ito ng Pilipinas sa bisa ng mas maraming silver medals.

Ang 28-man Indonesian contingent ay nagwagi ng isang  gold, isang silver, at tatlong bronzes – pawang nagmula sa badminton at weightlifting.

Pumangatlo ang Thailand sa hanay ng Southeast Asian countries na may isang gold at isang bronze.

8 thoughts on “PINAS NO.1 SA SOUTHEAST ASIA SA TOKYO OLYMPICS”

  1. 261373 341862Hello! Ive been reading your web site for a even though now and lastly got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to say keep up the excellent function! 364899

  2. 912470 20023Most heavy duty trailer hitches are designed using cutting edge computer aided models and fatigue stress testing to ensure optimal strength. Share new discoveries with your child and maintain your child safe by purchasing the correct style for your lifestyle by following the Perfect Stroller Buyers Guideline. 244388

Comments are closed.