(Pinas, Oman nagkasundo) DEPLOYMENT BAN SA OFWS AALISIN NA

Bernard Olalia

AALISIN na ng Filipinas ang deployment ban sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman kasunod ng pagpayag ng huli na luwagan na ang entry restrictions para sa Filipino travelers.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, nag-usap ang mga opisyal ng dalawang bansa nitong Lunes, Hunyo 21, para talakayin ang pagpasok ng mga Pinoy sa Oman.

Sinabi ni Olalia na ipinaliwanag ng pamahalaan ng Oman na hindi nila layunin na ipagbawal ang pagpasok ng OFWs doon.

Dahil dito, babawiin na ng POEA ang kautusan nito noong nakaraang linggo na nagbabawal sa deployment ng mga Pinoy sa Oman.

Hindi naman masabi ni Olalia kung kailan aalisin ang restrictions. Mangyayari, aniya, ito sa sandaling alisin ang entry restrictions sa Oman.

“Sa madaling salita po, ‘pag ka po nagkaroon na ng lifting sa Oman at tayo ay nag-lift na, ora mismo makakapagpadala na tayo ng OFWs sa Oman,” aniya.

Sa record ng POEA, may 5,000 Oman-bound OFWs ang umalis ng bansa mula Enero hanggang Mayo, na katumbas ng 1,000 kada buwan.

4 thoughts on “(Pinas, Oman nagkasundo) DEPLOYMENT BAN SA OFWS AALISIN NA”

  1. 726431 518830This is a good topic to talk about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This write-up probably wont do effectively with that crowd. I will be certain to submit something else though. 498592

  2. 155565 442924Its like you read my mind! You appear to know a whole lot about this, like you wrote the book in it or something. I believe which you could do with several pics to drive the message home a bit, but other than that, this really is wonderful blog. A terrific read. Ill definitely be back. 260468

Comments are closed.