PINATUTUTUKAN ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa mga economic manager ng pamahalaan ang pag-i-invest sa infrastructure at human capital development.
Giit ni Salceda, kailangan na itong gawin ngayong taon o sa 2021 upang hindi na magtagal ang pagkawala ng kita dahil sa pagbagsak ng GDP rate ng 16.5%.
Naniniwala ang kongresista na kahit umabot sa 50 hanggang 70 percent ang pagkaparalisa sa mobility ng bansa ay kaya pa ring makagalaw ng ekonomiya hanggang sa 80% capacity nito.
Aniya, sa ngayon ay bumabalangkas na siya ng panukala para sa economic reconstruction.
Kasabay nito ay hinimok din ng mambabatas ang Kongreso sa madaliin ang pag-apruba sa mga panukala na may kinalaman sa economic reforms tulad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE), amyenda sa Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization ACt at Public Service Act.
Kinalampag din ni Salceda ang pamahalaan na tutukan ang sektor ng agrikultura dahil sa kapansin-pansin na pag-angat nito sa kabila ng pandemya, gayundin ang pagpapalakas ng healthcare capacity ng bansa upang maibalik ang kumpiyansa ng mga negosyo at consumersa bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.