PIOLO & SHAINA SECRETIVE SA RELASYON

faceup

AFTER malantad ang mga sweet moments nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa Bohol, wala na tayong nabalitaan sa dalawa. Maging ang 31st birthday ni Shaina e, wala rin tayong nabalitaan na surpresa si Papa P. Ano ba ‘yan, bakit ipinagkakait sa publiko kung ano man lebel ng kanilang relasyon?

Ganyan talaga si Piolo. Never ‘yan magsasalita kahit nuong magsyota sila ni KC Concepcion. Pero may tsismaks na buntis daw ang sister ni Vina Morales,  na si Shaina. Nabuntis ni papa P?

Okay naman kay Vina kung sila ni Piolo ang magkatuluyan. Kung may tanong daw tayo, si Papa  na lang angtanungin. Sus, nuknukan na malihim si Piolo, hindi nagsasalita ‘yon. Maghintay na lang tayo.

 

 

VICE GANDA IBINALANDRA ANG YAMAN

Kagagaling lang sa Amerika, ni Vice Ganda at ang una niyang inaatupag ay ang pagsagot sa mga bashers. Ipinagyayabang niyang marami siyang biyayang natanggap, kaya naman may nag-dare na netizen na mag-share siya ng blessings tulad ni Gretchen Barretto.

Pero may isang bagay na nagpapanting sa kanyang tenga. May nagsabi kasing “laos” na ang lola n’yo. Kasi naman, wala siyang film entry sa MMFF 2021. Senyales kaya itong malapit na siyang maging la ocean deep?

Anyare? Di ba edukadong tao siya? Bakit patola siya sa bashers? Kaya, di maiwasan, ikumpara silang dalawa ni Boy Abunda, na never na nagyabang kahit pa siya na ang King of Talk. Even yung love partner niya for 32 years maganda pa rin ang kanyang relasyon.

May pinaggagalingan ba ang patama ni Vice? Kanino? Sana, ma-interview ni Kuya Boy si Vice sa kanyang YT channel at ipagamit ang kanyang “magic mirror” para malaman naman ni Vice ang ibig sabihin ng salitang pagpapakumbaba.

ENCHONG DEE MAGKADYOWA NA SANA

Kung ginusto ni Enchong Dee na lumipat, pwede. Kasi, loyal siya sa ABS-CBN. Fifteen years na siya dito kaya di niya iiwan ang Kapamilya Network, lalo na sa panahong ito. Besides, kaya raw niyang kitain ang perang kailangan niya kaya bakit pa siya mag-oober the bakod?

Wika niya, “nasa punto ako ng buhay ko na kung anong na-establish kong relationship, mas importante sa ‘kin.”

Kilala ang aktor sa pagiging wais sa pera. May mga negosyo siyang naipundar kaya kahit hindi na siya artista, magiging maayos pa rin ang buhay niya. Sa totoo lang, lovelife na lang ang kulang sa kanya. Babaing mamahalin?

Ayokong isiping ka-peg niya ang isang kapamilya male singer na up to now, umaasang magkakadyowa ng girl. Yan na lang ang Christmas wish namin sa kanya – na sana, magkasyota siya ng babae. Tsuk!