PNEUMONIA ANO ANG SAKIT NA ITO?

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Ang Simpleng Ubo at Sipon kapag hindi naagapan ay maaring mapunta sa sakit na Pneumonia. Ang sa-kit na nabanggit ay maaring sanhi ng isang primary infection o yung tinatawag na direct effect ng isang infection, maari din itong sanhi ng secondary complication ng isang sakit. Ang Pneumonia ay maaring Community-Acquired o yung nakukuha sa kapaligiran sa pamamagitan ng paghawa mula sa isang taong may sakit na ito, at maari din itong isang Hospital Acquired o yung nakukuha kapag ang isang pasyente ay matagalang na admit sa isang ospital o na infect ng isang causative agent mula sa loob ng Hospital.

Ang Pneumonia ay maari ding ma kategorya ayon sa mikrobyo na dulot nito. Maari itong dulot ng isang Bacteria o Maari ding dulot ng isang Virus. Ang mga mikrobyo na ito ay nakakaapekto sa ating alveoli na matatagpuan sa ating baga. Ilan sa mga Bacteria na common na nagsasanhi nito ay ang mga sumusu-nod:

1. Streptococcus pneumoniae
2. Haemophilus influenzae
3. Chlamydia pneumoniae
4. Mycoplasma pneumoniae
5. Legionella pneumophila

Ang mga common naman na viruses na nagdudulot ng Pneumonia ay ang mga sumusunod:

1. Influenza A and B Virus
2. Rhinovirus
3. Respiratory Syncytial Virus
4. Parainfluenza Virus
5. Adenoviruses
6. CORONAVIRUS

Ang mga microbyong nabanggit ay na-tratransmit sa pamamagitan ng Direct Contact mula sa mga ple-ma at sipon ng mga meron nito at gayong ipapahid natin sa ating mga ilong at bibig. Maari din itong ma-kuha mula sa Droplet transmission, kapag tayo ay nakalanghap ng secretions mula sa pag ubo o pagbahing ng taong meron nito.

Ang simtomas at senyales ng sakit na Pneumonia ay ubo na may plema, mahirap na paghinga, lagnat, panginginig, panghihina at kapos na paghinga. Bata man o matanda ay maaring magkaron nito. Ang pagkakaiba ng Viral at Bacterial Pneumonia ay base sa resulta ng Chest Xray, Sputum Culture, Com-plete blood count at simtomas at senyales ng isang tao. Ang karamihan sa Viral Pneumonia ay gumagal-ing ng kusa at binibigyan ang pasyente ng supportive measures tulad ng hydration, antipyretics para sa lagnat, at pagpapalakas sa resistensya nito. Ang Bacterial Pneumonia naman bukod sa mga supportive measures na nabanggit, ay nangangailangan ng Antibiotics na nirerecomenda ng isang doctor.

Ilan sa mga paraan upang maiwasan ang sakit na ito ay ang mga sumusunod:

1. Panatilihing malusog ang ating mga katawan
2. Mag exercise araw araw
3. Kumain ng masusustansyang pagkain
4. Iwasan ang masyadong matataong lugar or gumamit ng face mask kapag me tendency na ma expose sa mga taong meron nito
5. Hugasan ng maige ang kamay at mag disinfect sa pamamagitan ng 70% Alcohol
Kapag me katanungan mag email sa [email protected] o I like at mag comment sa fan page na medicus et legem sa facebook. _ Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.