NABAWASAN ang mga Pinoy na kinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa noong Seryembte 27-30, nasa 10.3 million Filipino families o 42 percent ang nagsabing sila ay mahirap, mas mababa sa tinatayang 11.10 million families o 45 percent noong Hunyo.
Ayon sa SWS, ang self-rated poor statistics ay bumaba sa lahat ng lugar maliban sa Visayas, na nagtala ng 4-point increase sa 59 percent mula sa 55 percent noong Hunyo.
Ang Metro Manila at Balance Luzon ang nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa self-rated poverty na may 6 points.
“Most families who consider themselves as poor also said that they need a P10,000 monthly budget for them not to consider themselves as poor,” sabi pa ng SWS.
Ang halaga ay katumbas ng median self-rated poverty threshold na sa paliwanag ng SWS ay ang kinakailangan ng poorer half of the poor para sa mga gastusin sa bahay upang hindi maging mahirap. Mas mababa ito sa P15,000 noong Hunyo.
Karamihan sa mga pamilya na kinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap ay nagsabing kulang sila ng P5,000 kada buwan kaugnay sa self-rated poverty threshold.
“This means that the poorer half of the poor generally lack half of what they need in order to survive,” ayon sa SWS.
Comments are closed.