(Posible sa Q1 2024) PRIVATIZATION NG NAIA

MAAARING ipatupad sa first quarter ng 2024 ang pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“We can say that by the first quarter of next year, it is doable that there will be a conclusion…that could possibly be proclaimed by the government,” pahayag ni Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim.

Ayon kay Lim, magtatagal ang privatization process sa harap ng negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga interesadong private companies.

“If there is more than one participant, we will have to talk to all of them in the process,” aniya. “So, it will take time, definitely.”

Pinawi naman ng transport official ang mga pangamba hinggil sa posibleng pagkawala ng trabaho sa ikinakasang privatization ng NAIA.

Matatandaang umalma ang mga empleyado sa airport dahil marami umano sa kanila ang mawawalan ng trabaho, ngunit pinasinungalingan ito sapagkat walang aalisin, bagkus ay patuloy ang kanilang posisyon kahit pangasiwaan ito ng pribadong sektor.

Paliwanag ni Lim, ang airport assets ay mananatili sa gobyerno, at ang papel ng concessionaire ay magiging limitado sa operations at management.

-FROILAN MORALLOS