(Posibleng aprubahan ng DOTr) FARE HIKE SA MRT-3

NAMUMU­RONG aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang hirit na dagdag-pasahe ng MRT-3.

Ang MRT-3 ay humiling ng P2.29 pagtaas sa boarding fee at P0.21 per kilometer.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, posibleng maaprubahan ang fare hike kung masusunod ng MRT-3 ang lahat ng mga requirement at dumaan ito sa tamang proseso.

Nauna nang inaprubahan ng ahensiya ang taas-pasahe sa LRT lines 1 at 2, na ipatutupad simula sa Agosto.

“’Yung MRT, ang operations ay parang LRT din, and kailangan siguro i-consider din natin. Pero pinag-aaralang mabuti ‘yan nung tinatawag nating Rail Regulatory Unit, sila ang maggagawa ng rekomendasyon sa aking opisina, and based on that ay gagawa rin ng decision letter,” sabi ni Baustista.