(Prayoridad ng bagong DOT chief)FULL RECOVERY NG TOURISM INDUSTRY

INIHAYAG ni newly-installed Department of Tourism Secretary Christina Frasco na kabilang sa mga prayoridad niya ang bumuo ng mga resolusyon para sa full rehabilitation at recovery ng tourism industry.

Sinabi ni Frasco na para maisakatuparan ito ay kailangan ang pagpunta sa iba’t ibang bahagi ng bansa para makipagpulong sa mga DOT regional director at stateholder upang maisulong ang development at promotion ng mga lugar.

Ayon kay Frasco, ang DOT na kanyang nakikita ay isang DOT na hindi lang nakasentro sa paggawa ng isang national policy kundi ay isang DOT na batid ang realidad.

Kaya naman diin ni Frasco na nais niyang bigyan ng atensiyon, hindi lang ang mga kilalang tourist destination, kundi iyong mga hindi gaanong kilalang lugar.

Makikipagtulungan din si Frasco sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) upang malapitang suriin at ayusin ang transportation at infrastructure sa mga tourists site.

Ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kay Frasco ay pagbutihin ang overall tourists experience at nais din ng Pangulo na maging isa sa major economic pillar ng Pilpinas ang DOT.

Samantala, nagpasalamat ang kalihim sa mga kawani ng DOT, kung saan batid niya ang sakripisyo ng lahat lalo na’t frontliners sila sa panahon ng pandemya.