PRESYO NG TRIGO BAGSAK NA SA INT’L MARKET

BAGSAK na ang presyo ng trigo sa international market.

Ito ay matapos ang land agreement sa pagitan ng Russia at ng Ukraine para maibiyahe na ang mga natenggang trigo na naipit dahil sa giyera.

Ayon sa ulat, bagsak na sa $7.59 ang 27 kilograms ng trigo na ide-deliver sa Setyembre.

Ito na ang pinakamababang presyo mula noong February 24 nang lusubin ng Russia ang Ukraine.

Ang Russia at Ukraine ang nagsusuplay ng 30% ng wheat exports sa mundo kung saan 25 million tons nito ay natengga sa Ukrainian ports.

DWIZ 882