NAG-ALOK ng suporta ang World Bank (WB) sa mga ginagawang programa ng Filipinas para masolusyunan ang malaking problema sa plastic pollution.
Sa isang forum, sinabi ni Agata Pawlowska, handang bigyan ng World Bank ang Filipinas ng financial support sa problema sa basura.
Aniya, isa sa nakikita niyang makatutulong nang husto para sa bansa ay ang multi-donor trust fund na Problue na inilunsad noong nakaraang taon.
“At the national level, we are already working with several national governments and the private sector in Southeast Asia to support the development and implementation of policies and regulations, to increase knowledge on the quantities of plastic waste and pollution hotspots, to develop plastic policies and roadmaps, and to finance critical investments,” ani Pawlowska.
Batay sa 2015 report ng US based environmental group na Ocean Conservancy at ng McKinsey Center for Business and Environment, kanilang tinawag ang Filipinas bilang ikatlo sa ocean polluter ng plastic sa mundo dahil sa 2.7 milyon toneladang basura ang nako-contribute kada taon.
Iginiit naman ni Joel Palma, chief executive officer ng World Wide Fund For Nature (WWF)-Philippines na ang problema ng Filipinas sa basura ay dapat na masolusyunan sa lalong madaling panahon dahil inaasahan na dodoble ang volume nito pagsapit ng 2025. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.