PRRD KAY VELASCO: TERM-SHARING IPAGLABAN

DUTERTE-VELASCO

“LORD, it is your right time. I have already spoken. You have to insist your right based on the term-sharing agreement.”

Ito ang naging pahayag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte kay incoming House Speaker at Marinduque Province Rep. Lord Allan Velasco, ayon sa pahayag ni Oriental Mindoro Rep. Salvador “Doy” Leachon.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang ilang kongresista sa ginawang hakbang ni Speaker Alan Peter Cayetano sa pangbabastos nito sa ibang mambabatas nang i-mute ang kanilang mga zoom upang hindi makatutol sa pasya ni Cayetano na agahan ang session break at ipagpaliban hangang Nobyembre 16, 2020.

“This proves beyond doubt that Speaker Cayetano is desperately hanging on. He has just publicly confirmed that he is losing ground that’s why he did it,” sabi ni Buhay Party-list ReP. Lito Atienza.

“Wala na siyang pakialam sa integredad ng Konstitusyon. Throwing everything into the air and making Congress go on a long vacation. Ginulo niya lahat and he violated all the rules of the House. Many of us were objecting at the top of our voices but again, we were muted on Zoom and all our objections were thrown out the window,” dagdag ni Atienza.

Tinawag din ni Atienza si Cayetano na “typical of a poor loser” dahil sa naging asta nito na kapag natatalo na ay guguluhin ang mesa at susunugin ang lahat.

Matatandaan na namagitan ang Pangulong Duterte sa suliranin sa pagitan ng Cayetano at Velasco, ay nagkaroon ng “gentlemen’s agreement” kung saan nauwi sa 15/21 term-sharing at natapos na ang 15 na buwan na pagkakaupo ni Cayetano bilang Speaker at kailangan nito na i-turnover na kay Velasco na tila hindi pa handang gawin ni Cayetano.

Comments are closed.