PSL: NATIONALS NAKAULIT

Mga laro bukas:

 (FilOil Flying V Centre)

2:00 pm — Philippines vs Smart-Army

4:15 pm — Generika-Ayala vs Petron

7:00 pm — UP-UAI vs F2 Logistics

IMUS CITY – Muling nalusutan ng Philippine women’s national team ang kakulangan sa tao nang maitakas ang  25-21, 25-15, 25-21 panalo laban sa Cignal sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference kahapon sa Imus Sports Center dito.

Mula sa nine-woman team sa panalo noong Sabado laban sa Cocolife,  walong players lamang ang naglaro para sa koponan kung saan nanguna sina team captain Aby Maraño at pool member MJ Phillips na may tig-17 points.

Dahil sa kakulangan ng players, ang karaniwang  middle blocker na si Maraño ay naglaro bilang opposite spiker at ipinakita ang kanyang versatility sa paghataw ng 13 spikes, pares ng blocks at dalawang aces, kabilang ang anim na excellent receptions.

“I’m proud of our players because they are flexible in adjusting to other positions, especially our team captain who played as opposite spiker. She’s always ready,” wika ni head coach Shaq Delos Santos patungkol kay Maraño, na pinahanga ang mga tao sa Imus, kasama sina Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. Vice President Peter Cayco at City Vice Mayor Ony Cantimbuhan.

Nagpasiklab din si Phillips sa kinamadang 16 kills sa kanyang 17 points.

Naging susi rin sa panalo ng Nationals si mainstay Ces Molina na may anim na hits, kabilang ang 14 digs at 6 receptions, habang gumawa si setter Kim Fajardo ng 15 excellent at tumapos si libero Dawn Macandili na may 18 digs.

Gayunman ay sinabi ni Delos Santos na hindi pa sila handa para sa Asian Games sa Jakarta sa Agosto.

“Honestly speaking we’re happy because we keep on winning here but we’re still far from our best form and we still have a lot of things to do,” aniya.

“We need more practices. Hopefully, we’ll get there in the training camp and in the international competition. For now, we’ll do it one at time until we’re complete,” dagdag pa ni Delos Santos, na muling gagabayan ang Nationals laban sa Smart-Army sa Huwebes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Comments are closed.