SI Jeron Tanglaw ay manunulat ng libro at ilustrador. Isa rin siyang guro sa isang pampublikong paaralan sa Tanauan, Batangas. Bukod dito, graduate din siya sa kursong Tourism Promotion Services sa TESDA at kumuha pa siyang muli ng kursong Barista NC II. Ang kagustuhang matuto ang naging puhunan ni Jeron para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa TESDA sa gitna ng pandemya.
Isa sa mga pinakakilalang kultura ng mga Batangueño ay ang paggawa ng kape kung kaya napagdesisyunan ni Jeron na piliing magsanay sa kursong Barista NC II sa TESDA. Ito ay upang mapag-aralan na rin ang kulturang kanyang kinagisnan. Naging madali para kay Jeron ang pagsasanay sa Brightwell Technical Education Training and Assessment Center sa San Jose, Batangas dahil hindi siya nakaranas ng anumang diskriminasyon na naging daan upang mas mahikayat siyang pagbutihin pa ang kanyang ginagawa.
“Enrolling in BARISTA NC II is my choice po, since I want to expand my knowledge and dig deeper into the passion of coffee making. More than that, our heritage as Batanguenos is highly rooted to coffee. I want to enliven the spirit of coffee making even on the streets,” aniya.
Ang naging inspirasyon ni Jeron sa kanyang pagsimula ng negosyo ay ang kanyang lolo dahil siya lagi ang nagtitimpla ng kape nito noong nabubuhay pa ito. Nakakuha rin siya ng ideya sa internet kung saan ay itinayo ang coffee shop sa tapat lang mismo ng bahay sa Pampanga. Dahil dito ay naisipan niyang gumawa din ng sarili niyang coffee shop na bago sa mata ng madla, maging malikhain sa paggawa nito, at abot kaya ng lahat. Ginamit niya ang kanyang quarantine bike na ginamit niya rin noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) at nilagyan ng sariling cart para magsilbing lagayan ng kanyang mga gamit sa paggawa ng kanyang produkto. Pagkatapos nito ay naging tuloy-tuloy na ang pagsikat ng kanyang coffee cart sa Batangas.
Naging maganda rin ang naidulot ng pagtatayo niya ng sariling negosyo ngayong pandemya dahil hindi lang nito natustusan ang pang araw-araw nilang gastusin kundi nakapagbigay rin siya ng trabaho sa kanyang kapatid at ibang kaanak.
“I generated income more than expected. I was able to create jobs for people in this pandemic. I was able to show that TESDA graduates are competent, skilled and life ready,” pagbabahagi niya.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Jeron ang mga kabataan na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral at maging ang mga pag-sasanay sa TESDA dahil naniniwala siyang malaking benepisyo ang maibibigay nito sa kanila.
122520 803820I like this blog so significantly, saved to bookmarks . 220352