PUBLIKO HINIMOK NI ISKO NA MAGTAYO NG NEGOSYO SA MAYNILA

Manila Mayor Isko Moreno

HINIMOK ng pamahalaang lokal  ng Maynila ang publiko, higit ang mga negosyante at namumuhunan, na magtayo ng negosyo, maliit man o malaki,  dahil umuusbong na muli ang sigla ng komersiyo sa lungsod.

Ginawa ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang panawagan sa kabila ng pangamba ng publiko dahil sa COVID-19 pandemic.

“Magtayo kayo ng negosyo, if there is adversity there is opportunity. Mas magandang magbukas ka ngayon then learn the hard way, naturally there is better things for you waiting. May oportunidad during high and low time. As we know mahirap maka-recover, if we can help them to sustain their existence to protect employment and businesses then we will do so,” wika ni Moreno sa paglulunsad ng Manila Restaurant Week sa Manila Hotel na tatakbo mula Setyembre 20 hanggang 27.

Inanyayahan din ng alkalde ang Manilenyo na muling kumain sa mga restaurant sa lungsod dahil mahigpit din ang pagpapatu-pad ng health protocols upang matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa COVID-19.

“This is our small little way to support our business to survive. Through self-discipline malalagpasan natin to. ‘Yung panganib natutunan nating iwasan, makakapamuhay tayo nang ligtas basta susundin lamang natin ang ipinatutupad ng WHO and DOH like wearing of protective gear at pagsunod sa minimum health standards,” dagdag pa ng alkalde.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang ama ng ALC Group of Companies  na si D. Edgard A. Cabangon na dumalo rin sa aktibidad at sinabing lubos ang kanyang kagalakan dahil hindi nagsasawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na tumulong at um-agapay sa mga negosyo, lalo ngayong may krisis.

“Salamat po at tuloy-tuloy ang ginagawang hakbangin ng ating alkalde, Mayor Isko Moreno upang buhayin at pasiglahin ang kalakalan sa Maynila. Nakahanda rin po ang aming grupo upang tumulong at sumuporta sa mga adhikain ng ating alkalde. Let us dream big and continue to follow minimum health protocols para na rin sa ating kaligtasan,” wika ni Cabangon, chairman ng ALC Group of Companies.

Upang hikayatin naman ang publiko na tangkilikin ang mga restaurant sa lungsod ay sinabi ni Manila Tourism and Cultural Affairs Chief Charlie Dungo na magbibigay ng free delivery ang mga katuwang nilang mobile applications tulad ng Grab.

“From September 20-27, free po ang delivery sa Grab kapag umorder kayo ng take out sa mga restaurant within Manila,” ani Dungo.

Smooth transaction din ang pangako ni Manila Bureau of Permits Chief Levi Facundo na sinabing sa loob lamang ng isang ar-aw ay makakukuha na ng business permit ang sinumang magnenegosyo sa Maynila at maaari pa itong gawing online kung kumple-to ang mga requirements.

Magtungo lamang sa website na manila.gov.ph, habang para maging updated sa nasabing aktibidad para sa restaurant week, maaaring magtungo sa manila.gov.ph/restaurantweek.

Sa usapin naman ng curfew ay umiiral pa rin ang hanggang alas-10:00 ng gabi na curfew hours subalit sinabi ni Moreno na pat-uloy pa rin nilang inoobserbahan ang sitwasyon at pinag-aaralan kung possibleng ma-lift ito kung kusang loob nang sumusunod ang publiko sa minimum  health protocols.

Pinapayagan naman ang lahat ng restaurants na mag-operate ng 24 hours para sa take out services nito.

Kabilang sa mga pinagdausan ng pagbubukas ng Manila Restaurant Week ang Manila Hotel, Lucky Chi-natown Mall, Bayleaf Hotel at Robinsons Place Manila.  PAUL ROLDAN

Comments are closed.