(Publiko pinag-iingat) 2 LUGAR SA SURIGAO POSITIBO SA RED TIDE

PINAG-IINGAT ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagbili at pagkain ng mga shellfish at alamang na mula sa dalawang lugar sa Caraga Region.

Sa Shellfish Bulletin No. 09 Series of 2022 na inisyu ng BFAR, positibo pa rin sa red tide toxins ang Lilalit Bay sa San Benito, Siargao Island sa Surigao del Norte at  Lianga Bay sa Surigao del Sur.

“All types of shellfish and Acetes sp. or ‘alamang’  gathered from the areas are not safe for human consumption,” sabi ng BFAR.

Samantala, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag mula sa dalawang naturang lugar.

Kailangan lamang na sariwa, hugasang mabuti, at alisin ang lamang loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin.

Inabisuhan na ang local government units sa mga apektadong lugar ng pinakabagong advisory ng  BFAR. PNA