PVL: CREAMLINE, CHERY TIGGO BABAWI

creamline

Standings W L
Creamline 3 1
Chery Tiggo 3 1
PLDT 3 1
F2 Logistics 3 1
PetroGazz 2 2
Choco Mucho 2 2
Cignal 1 3
Akari 1 3
Army-Black Mamba 0 4

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – Creamline vs Chery Tiggo
6:30 p.m. – Cignal vs F2 Logistics

SISIKAPIN ng Creamline at Chery Tiggo na makabawi mula sa kanilang unang pagkatalo sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference, habang haharapi ng F2 Logistics, galing sa epic five-set win kontra defending champions, ang Cignal sa isang kapana-panabik na doubleheader ngayon sa Philsports Arena.

Determinado ang Cool Smashers at Crossovers na makabalik sa winning track sa kanilang salpukan sa alas-4 ng hapom, habang target din ng Cargo Movers na manatili sa top spot sa 6:30p.m.showdown sa inaalat na HD Spikers.

Ang Creamline, Chery Tiggo at F2 Logistics ay may magkakatulad na 3-1 records kasama ang PLDT, na dinispatsa ang PetroGazz, 21-25, 31-29, 25-21, 21-25, 15-13, noong Huwebes ng gabi.

Makaraang simulan ang kanilang kampanya na may tatlong sunod na panalo, nalasap ng Cool Smashers ang 25-23, 18-25, 25-16, 23-25, 14-16 defeat sa Cargo Movers noong nakaraang linggo.

Ang Crossovers ay 3-0 sa conference, subalit yumuko sa High Speed Hiiters, 13-25, 22-25, 25-27, noong nakaraang Martes.

Bagama’t walang pasubaling si Jia Morado ang magiging starting playmaker ng Creamline, aabangan kung sino ang pipiliin ni coach Aaron Velez sa pagitan nina Alina Bicar at Jasmine Nabor bilang starting setter.

Si Bicar ay naging starter at hindi pinalitan sa straight romp ng Chery Tiggo kontra F2 Logistics noong nakaraang February 16. Ang dating University of Santo Tomas player ay naging starter laban sa PLDT subalit nahirapan at kinailangang palitan ni Nabor sa second set sa pagkatalo.