PVL: HIGH SPEED HITTERS LUMAPIT SA SEMIS

Standings W L
Cignal 4 0
PLDT 3 1
Creamline 2 1
Army 2 2
Choco Mucho 1 2
Chery Tiggo 1 3
PetroGazz 0 4

Mga laro sa Martes:
(Filoil EcoOil Centre)
2:30 p.m. – Army vs Chery Tiggo
5:30 p.m. – PetroGazz vs Cignal

DUMIKIT ang PLDT Home Fibr sa pagkopo ng kanilang kauna-unahang Premier Volleyball League semifinals appearance sa 17-25, 25-11, 25-20, 25-18 panalo kontra Army-Black Mamba kahapon saMall of Asia Arena.

Masaya si coach George Pascua sa ipinakita ng kanyang tropa na umangat sa 3-1 kartada.

“Yung previous tournament namin, ‘yung system hindi namin makuha. ‘Yung chemistry, nakikita natin talaga kung sino ang starting six na puwedeng pang-diinan ba. ‘Yung talagang panlaban na ‘yung character nila as an individual and as a team. Mas intact,” sabi ni Pascua.

Apat na players ang umiskor ng twin digits para sa PLDT, sa pangunguna ni Jules Samonte na may 17 points, kabilang ang dalawang service aces, at kumubra ng 20 digs.

Nagdagdag si Fiola Ceballos ng 13 points at 20 receptions, kumana si Dell Palomata ng 12 kills habang nag-ambag si Chin-Chin Basas ng 11 points para sa i in High Speed Hitters.

Nagtala si Mika Reyes ng team-highs 3 blocks at 2 service aces upang tumapos na may 9 points.

“We are very happy na lahat ngayon sa team, talagang nagko-contribute para manalo,” sabi ni Reyes, kasalukuyang nangunguna sa conference sa blocking department.

Nag-toss si Rhea Dimaculangan, gumawa rin ng 3 blocks, ng 20 excellent sets, habang kumana si libero Kath Arado ng 16 receptions at 13 digs.

Nahulog ang Lady Troopers, na hindi nakasama si Royse Tubino, sa 2-2 kartada.

Nanguna si Jovelyn Gonzaga para sa Army na may 11 kills habang nagdagdag si Joanne Bunag ng 10 points.