PWEDE KAYA AKONG MAGING NEGOSYANTE?

KAPAG narinig mo ang salitang “entrepreneur,” ano ang una mong naiisip? Para bang si dating Disney founder and CEO Walt Disney o si Henry Sy ng Shoemart? Baka naman yung paborito mong online influen­cer.  May ideya ka kung ano ang entrepreneur, pero alam mo ba talaga kung ano ito?

Sure, negosyante ito sa Tagalog. Madaling sabihin, mahirap gawin. Paano nga ba? Magbebenta ng kahit ano at kikita kahit paano, negos­yante na? Kapag may sari-sari store, matatawag na bang negos­yante rin? Syempre naman!

Para sa inyong kaalaman, ang mga maliliit na negosyanteng ito ay matatawag na backbone of economy. Sila ang may mga bagong ideya para maengganyo ang mga taong gustuhin kung ano ang kanilang ibinebenta. Gumagawa sila ng produkto o serbisyong kayang sagutin ang demand at pagkatapos ay ipo-promote nila ito at ibebenta sa publiko. Kadalasan, sa umpisa lamang ito gusto ng tao kaya eventually ay nalulugi ang maliliit na negosyo.

Gayunman, may mangi­lan-ngilang nakakaalagwa, kaya lumalaki sila at nararating ang mas malaking customer base. Maraming mga negosyo ngayon ang nagsisimula sa ganitong paraan.

Sila ang mga tunay na job makers. Ang mga entrepreneurs ay smart at daring, ngunit hindi nila kayang gawin ang lahat na mag-isa, kaya kailangang nilang umupa ng mga taong makakatulong. Halimbawa na lang sa negosyong food truck. Kakailanganin ang taong mamamalengke at ang taong magluluto, habang ang may-ari ang magse-serve ng pagkain at makikipag-usap sa mga customers.

So, ang tanong mo sa iyong sarili, “dapat ba akong maging negos­yante?”

Lahat naman, pwedeng maging negosyante, bakit hindi? Yung iba, talagang may natural knack para dito, at yung iba, aaralin muna. Pero kahit medyo magtagal, pwede pa rin. Bago mo matutuhan kung paano maging matagumpay na negosyante, tanungin mom una ang sarili mo kung bakit gusto mo ito. Alamin mom una kung gusto mong:

Wala kang boss kundi ang sarilimo lamang – yung walang magsasabi sa’yo kung ano ang data mong gawin dahil ikaw mismo ang magdedesisyon.

Ikaw ang gagawa ng “next big thing” – pangarap mong kumita ng milyones depende sa sipag at tiyaga mo.

Magtrabaho ka kahit saan at kahit anong oras na gusto mo – dahil negosyante ka,  ikaw ang magdedesisyon kung kelan ka mag-o-operate. Halim­bawa, karinderya ang negos­yo mo, pwede mo itong buksan s aumaga o gabi, depende kung kelan mo gusto.

Ano ngayon ang kailangan mo para maging tunay na entrepreneur? Simple lang. data, willing kang lumikha at mag-try ng mga bagong ideya. Hindi ka makakagawa ng kakaibang produkto o serbisyo kung hindi ka mag-iisip ng kakaiba rin. Kasama rito ang inyong mindset at assumptions kung paano na ang takbo ngayon ng mundo. Sa madaling sabi, anon a ba ang gustong ga tao ngayon, at doon kayo sasabay habang nagsisi­mula. Eventually, kailangan nyo ring mag-break free sa mgva nakaugalian upang lumikha ng bagay sa hindi pa nila nakikita para ma-arouse ang kanilang curiosity.

Halimbawa, napansin ni Roberto del Rosario na mahilig talagang kumanta ang mga Pinoy, kaya inim­bento niya ang karaoke sing-along system. Sa totoo lang, Japanese word ang karaoke na ang ibig sabihin ay “sing along to a popular record with its original vocals removed.” Ang kanyang sing along system ay compact audio device na may microphone, amplifier speaker, cassette tape mechanisms, microphone mixer na nakakapagpaganda ng boses at optional radio tuner. Noong una, gamit lamang ito sa voice lessons, pero tingnan naman ninyo nggayon – na-improve na sa videoke.

Walang madalig daan sa tagumpay. Pag nagnegosyo ka, dapat ay handa ang kalooban mong malugi kung minsan. Alalahanin mo, hindi lahat ng araw ay Pasko –I mean, may panahon ding mahina ang benta. Kalayaan ang kahulugan ng pagiging negosyante, at ang kalayaan ay kaakibat ng responsibilidad.

Bilang “captain” ng iyong negosyo, ikaw ang unang lulubog kapag lumubog ang negosyo mo at una ka ring aangat kapag nagsipag ka. Kaya bago ka magnegosyo, ito ang mga qualities na kailangang meron ka:

Matuto ka sa karanasan ng iba – Hindi nakakahiyang amining wala kang alam. Kung pipintasan ka nila, tanggapin mo at i-analyze kung alin sa mga sinabi nila ang tama.

Manatili kang ambisyoso – Kung gusto mong magtagumpay, kailangan ay lagi kang uhaw sa improvement. Kung hindi, kukunin ng iba ang pwesto  mo.

Sumabay ka sa panahon – Kung kailangang magbago, baguhin mo. Ganoon talaga ang negosyo, nakikisabay sa takbo ng panahon. Kung ano ang gusto ng customers, ‘yon ang ibinigay mo.

Mag-develop ka ng networks – Kung kinakailangang memoryahin mo ang mmga pangalan ng street cleaners sa barangay nyo, gawin mo kung sila ang makakatulong sa ne­gosyo mo. Ngayon, handa na ba kayong maging tunay na negosyante? – SHANIA KATRINA MARTIN