Q’FINALS TARGET NG GILAS VS JORDAN

gilas

HANGZHOU — Muling maghaharap sina Justin Brownlee at Rondae Hollis-Jefferson sa salpukan ng Gilas Pilipinas at Jordan para sa isang outright berth sa quarterfinals. ngayon sa 19th Asian Games.

Nakatakda ang laro sa alas5:30 ng hapon sa Hangzhou Olympic Sports Center Gymnasium.

Ang dalawang koponan ay kapwa wala pang talo at hangad na walisin ang Group C ng preliminaries upang umusad sa susunod na round nang walang kumplikasyon.

Naisaayos ng Philippines at Jordan ang all-important clash sa pagitan ng dalawang unbeaten teams makaraang dispatsahin nila ang unang dalawang katunggali — ang Bahrain at Thailand.

Batid ni Gilas head coach Tim Cone na mabigat na kalaban ang Japan.

“They’re gonna be tough,” sabi ni Cone makaraang malusutan ng Gilas ang Thailand at ang three-point shots mula kina Tyler Lamb at Frederick Lish, 87-72.

“What can you say? They blew this team [Thais] out by 37 points, and we only beat them by what, 15 or whatever? So if you look at it that way, we don’t have much of a chance.

“But I think [if] you walk into our locker room when you talk to everyone of those guys, they think we can beat Jordan,” sabi ni Cone.

Inaasahang hihigpitan ng Gilas ang depensa kay Hollis-Jefferson para mapigilan ito.

“We’re gonna try to put a big performance together and go out and play Jordan,” aniya.

Hindi malilimutan ng PBA fans si Hollis-Jefferson nang agawin nito ang Best Import award kay Brownlee sa Governors’ Cup noong nakaraang April, at sa kanyang 29 points, 14 rebounds at 6 assists performance nang gapiin ng TNT ang Barangay Ginebra

San Miguel sa Game 6, 97-93, para sa kanpeonato.

CLYDE MARIANO