TIME out muna sa busy schedules nila sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na kasalukuyang nasa Paris ngayon. Sinamahan ni Rayver si Janine na naimbitahan para sa Paris Fashion Week. Nauna rito, nag-muse muna si Janine sa mga Kapuso stars na naglaro ng basketball sa “Summer Kapuso Festival: Palarong Pinoy 2019 sa Al Quwain, United Arab Emirates.
Bago tumuloy ng Paris, nag-tour muna sina Janine at Rayver sa Rome, sa Vatican, at sa iba’t ibang lugar doon. Hindi pa rin nagpo-post ng photo na magkasama ang dalawa. Kahit iisa ang lugar na pinuntahan nila, solo-solo pa rin ang post nila, like sa Colosseum in Rome, pareho lamang ang shot nila pero separate pa rin ang post. Sa isang IG story ni Janine, sa rami ng naka-post niyang photos, na kuha ni Rayver, isa lamang iyong nakitang magkasama sila, pero magkahiwalay pa rin ang post.
Iyon lamang ang maganda kahit may mga ginagawa silang shows, puwede naman silang mag-time-out dahil taped na ang shows nila at nakakagawa sila ng schedule na puwede silang umalis na hindi maaapektuhan ang kani-kanilang trabaho.
Like si Rayver, may daily teleserye siya, ang “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” with Megan Young at Kris Bernal at every Saturday at Sun-day, ay napapanood naman siya sa “The Clash” na sila ni Julie Anne San Jose ang mga ClasMasters pero hindi napapansin na wala sila.
Hanggang kailan kaya sila sa Paris, dahil ngayong araw ay birthday ni Janine at gusto raw sorpresahin ni Rayver si Janine. Kung hindi kami nagkakamali, second year ng kasamang magse-celebrate ng birthday ni Janine si Rayver. Wish ng fans nila, umamin na sila sa tunay nilang relasyon, bilang birthday gift ni Janine sa kanila.
UNANG SALPUKAN NG CONTESTANTS NG ‘THE CLASH’ PUNO NG TENSYON
LAST Saturday and Sunday, sa “The Clash” singing contest ng GMA Network, dalawang contestants ang kinailangang lapatan ng paunang lu-nas ng paramedics na nakabantay sa contestants. Hindi maaalis na magkaroon ng ibang nararamdaman ang contestants na magkalabang kakanta dahil sa tensyon.
Last Saturday, isang male contestant ang nakaranas ng pamamanhid ng mga kamay at last Sunday, isang female contestant naman ay nakaranas ng hirap sa paghinga. Thank God, na pagkatapos namang malapatan ng lunas, nakabalik pa rin sila sa stage, iyon nga lamang pareho hindi pinalad maupo ang dalawa sa 34 chairs ng mapipiling winners sa first round ng labanan.
JOYCE CHING EXCITED NA SA KASAL NIYA SA DECEMBER
MASAYANG-MASAYA si Joyce Ching nang makausap sa mediacon ng bago niyang romantic-comedy series na “One of the Baes.” Masaya ba siya dahil malapit na ang wedding nila ng non-showbiz boyfriend na si Kevin Aliman?
“Bukod po sa nalalapit na wedding namin ni Kevin, masaya ako na may bago ulit akong project sa GMA Network,” nakangiting sagot ni Joyce. “Akala ko po kasi, wala na akong gagawing bagong project dahil katatapos ko lamang ng “Dragon Lady,” pero heto at may bago, para pong wedding gift sa amin ng GMA. At maganda itong bago naming project dahil light lamang ito at iba naman ang tema, offering po namin sa ating mga seafarers, na tinawag nilang “millennial fairytale” na pagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela. Naiiba rin po sa akin ito dahil produced ito ng GMA News and Public Affairs. At ngayon pa lamang masasabi na naming magbibigay kami ng saya sa inyo gabi-gabi.”
Anyways, ang Christian garden wedding nina Joyce at Kevin ay magaganap sa December 8, sa Baguio City at ilan sa mga sponsors nila sa GMA Network ay sina Ms. Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, Vic del Rosario of GMA Artist Center at si Director Gina Alajar.
Comments are closed.