CAGAYAN – TAKOT ang umiiral sa mga rebel returnee na naayudahan ng pamahalaan kaya umaalis na ito sa kanilang lugar at hindi na bumalik.
Sa pahayag ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) sa Cagayan, na pinamumunuan ni Helen Donato na umano’y may ilan sa mga rebel returnee ay ginagamit ang ipinagkaloob na P50,000 livelihood assistance para mangibang bansa o lugar upang makapagbagong buhay.
Kaugnay nito, sinabi ni Donato na buhat noong 2017 hanggang 2019 ay umabot sa 57 ang mga sumukong miyembro ng rebeldeng grupo sa Cagayan at 27 dito ay nagtatrabaho na sa pamahalaang panlalawigan na kabilang sa mga sumuko ngayong taon. IRENE GONZALES
Comments are closed.