REBEL RETURNEES BINIGYAN NG TULONG PINANSIYAL

NPA

MASBATE –  UMABOT na sa 29 New People’s Army (NPA) rebel returnees ang binigyan ng tulong pinansiyal ng pamahalaan sa ginanap na simpleng programa sa kampo ng Phil. Army sa Sitio Baclay, Barangay Bacolod sa bayan ng Milagros sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni Masbate Police Provincial Director P/Col. Joriz Cantoria, isinuko rin ng rebel returnees ang kanilang matataas na kalibre ng baril na tinanggap mismo nina Southern Luzon Commander Lt.Gen.Antonio Parlade, Major General Henry Robinson, 903rd Brigade commander B/Gen. Noe Alberto Penafiel at B/Gen. Bartolome Bustamante, Bicol police regional director.

Ayon kay Lt.Col. Siegfred Awichen, commander ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army, ang rebel returnees ay nagmula pa sa Barangay Monreal sa Isla ng Ticao, Claveria at San Pascual ng Burias.

Dahil sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng programa ng Provincial Task Force to End Local Armed Conflict(ELCAC), nagdesisyon sumuko ang 29 rebeldeng NPA kung saan binigyan sila ng ayuda sa ilalim ng livelihood program na pakikinabangan ng kanilang pamilyang naghirap dahil sa matagal na panahong pakikibaka sa kabundukan.

Naging instrumento naman ang pulisya sa pamumuno ni P/Col.Cantoria kaugnay sa pagsuko ng mga rebelde dahil sa puspusang pagpapatupad ng mga programang nagkumbinsi sa kanila upang makiisa sa layunin ng gobyernong matuldukan ang giyera sa bansa. NORMAN LAURIO

Comments are closed.