REMITTANCES NG OFWs BUMULUSOK

BSP-2

SA IKALAWANG sunod na buwan ay bumaba ang remittances mula sa overseas Filipinos, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas ((BSP).

Sa datos ng central  bank, ang cash remittances — pera na ipinadaloy sa mga bangko — ay bumaba ng 1.7% sa $2.603 billion noong Enero 2021 mula sa $2.648 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang cash remittances mula sa land-based workers ay lumiit ng 2.4% sa $2.044 billion, habang ang mga galing sa sea-based workers ay tumaas ng  1% sa $58 million.

Ang January figure ay mas mababa rin sa $3.2 billion na ipinadala ng mga Filipino mula sa ibang bansa noong Disyembre.

Ang United States ang may pinakamalaking share na may 40.9%, sumusunod ang  Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, Canada, United Arab Emirates, Qatar, Malaysia, at Taiwan. Ang pinagsamasamang remittances mula sa naturang mga bansa ay nasa 78.2%.

Samantala, ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — ay bumagsak ng 1.7% sa $2.895 billion noong Enero mula sa $2.944 billion.

Sa datos ng BSP, ang personal remittances mula sa land-based workers na may kontrata na hindi bababa sa isang taon ay bumaba ng 2.4% sa $2.219 billion mula sa $2.274 billion. Ang mga nagmula sa sea-based workers at land-based workers na may kontrata na mababa sa isang taon ay lumiit ng 1% sa $609 million.

2 thoughts on “REMITTANCES NG OFWs BUMULUSOK”

Comments are closed.