RETIRADONG BANK MANAGER NAGBIGTI

SUICIDE-2

VALENZUELA CITY – NAGPASYANG magpakamatay ang isang retiradong bank manager sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng banyo dahil umano sa depresyon.

Kinilala ang biktima na si Glenn Brecio Ruiz, 61, na nadiskubre dakong alas-10 ng umaga ng kanyang pamangkin babae na si Laarni Jeanne Ruiz habang nakabigti gamit ang electric cord sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Sa nakarating na ulat kay Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay, habang kinukuha ni Laarni Jeanne ang kanyang mga damit sa gilid ng kanilang bahay ay napansin nito ang isang yellow paper na naglalaman ng isang suicide note na isinulat ng biktima.

Nakasaad din sa note ng biktima na ang kanyang bangkay ay matatagpuan sa loob ng kanilang banyo na na­ging dahilan upang agad ipaalam ng saksi sa kanyang tiyahin na nag-utos sa kanya na humingi ng tulong sa mga opsiyal ng barangay.

Sa tulong ng mga barangay tanod, sapilitang binuksan ang pinto ng banyo kung saan bumulaga sa mga ito ang nakabigting katawan ng biktima.

Sinabi ng mga kaanak ni Ruiz sa pulisya na dumaranas ng diabetes at matinding depresyon ang biktima dahil sa pagkamatay ng kanyang nakata-tandang kapatid. EVELYN GARCIA

Comments are closed.