ROCCO NACINO MATATAPOS NA ANG IPINAGAGAWANG BAHAY

ROCCO NACINO

AT 32, masasabi na ring nasa hustong edad at kaisipan ang Kapuso actor na si wallfaceRocco Nacino. Maganda ang takbo ng kanyang karir, negosyo at lovelife. Sa ngayon ay bising-bisi siya sa “Descendants of the Sun” nila ni Dingdong Dantes at sa pagpapatayo ng kanyang dream house. Last year pa rin naman ito naumpisahang gawin at ngayon ay halos nasa finishing stage na ito ng construction. Paunti-unti ay nabuo ang pangarap na bahay ni Rocco.

Kung pag-uusapan naman ang kanyang personal na buhay, hayagan din naman si Rocco sa pagsasabing ang gf na si Melissa Gohing ang babaeng nais niyang makasama sa habang buhay o pakakasalan. Tsikang sa pagtatapos raw ng pagpapatayo niya ng bahay, ay simula na rin daw ng pagli-live in nila ni Melissa.

Ani ng actor, malabo raw ang salitang live in sa pamilya niya. Hindi rin papayag ang kanyang mga magulang sa ganitong sitwasyon. At dahil malaki ang res­peto sa mga magulang ay sumusunod si Rocco sa pagiging sagrado ng kasal sa pamilya.

GABBI GARCIA NASIRA ANG PLANO NA ‘DI MAGSASAMA NG BF SA TRABAHO

NOONG una ay hindi talaga pabor si Gabbi na makatrabaho niya sa isang proyektoGABBI GARCIA ang boypren na si Khalil Ramos. At isa rin ‘yan sa dahilan kung bakit di nila feel na magkasama sa iisang network at madalas na magkita.

Pero nang ialok kay Gabbi ang isang pelikula na pagsasamahan nilang dalawa, ang “LSS”, ay hindi nakatanggi si Gabbi at ‘nasira’ ‘yung nais nilang dalawa na makatrabaho ang isa’t isa. Nang simulan na nila ng boypren ang shooting ng kanilang movie, pasalamat daw itong si Gabbi dahil naging daan ang kanilang movie together para mas makilala pa niya ng husto ang boypren.

Sa working habit nito sinabi ng young Kapuso actress, naging malaking factor ang pagiging komportable na nila sa isa’t isa para smooth ang flow ng kanilang shooting. Nadiskubre rin niya ang acting talent ng boypren hindi lang singing skills.

Pagdating naman sa work, nagbibigayan daw sila ng suggestion sa isa’t isa sa gagawin atake sa eksena. Pero wala silang pakiaalaman pagdating naman sa desisyon sa kanya-kanyang showbiz karir.

Comments are closed.