NAGPOSTE sina James Harden at Christian Wood ng double-doubles at sinamantala ng Houston Rockets ang kakulangan ng Orlando Magic sa tao upang itarak ang 132-90 tambak na panalo noong Biyernes sa Toyota Center.
Naipasok ng Rockets, na sumalang sa laro na ika-28 sa NBA sa 3-point percentage, ang 11 of 23 3s sa runaway first half. Naisalpak ni Harden ang 2 sa 5 treys subalit sina P.J. Tucker at Ben McLemore ang nanguna sa pananalasa sa perimeter.
Umiskor sina McLemore at Tucker ng tig-9 points bago ang half time, kung saan gumawa si Tucker ng 3 of 4 3s habang tumapos si McLemore na may 3 of 3 sa 3-point range.
Si McLemore ay na-sideline sa unang anim na laro makaraang magpositibo sa COVID-19.
Kumamada si Harden ng 15 points at 13 assists habang bumalik si Wood mula sa one-game injury hiatus at nagposte ng 22 points at 15 rebounds. Anim na Rockets ang umiskor ng double figures kung saan tumapos si McLemore na may 15 points sa 5-for-5 3-point shooting habang nagdagdag si Tucker ng 15 points.
WARRIORS 115,
CLIPPERS 105
Nagbuhos si Stephen Curry ng 38 points at bumanat ang Golden State Warriors ng 34-6 run sa pagitan ng third at fourth quarters upang gu-lantangin ang bisitang Los Angeles Clippers sa San Francisco.
Sa rematch ng Clippers win noong Miyerkoles ng gabi, naging sandigan ng Warriors ang 20 3-pointers — kabilang ang siyam ni Curry — upang mapigilan ang two-game sweep.
Tumipa si Paul George ng team-high 25 points at nagdagdag si Kawhi Leonard ng 24 para sa Los Angeles, na nanalo sa kanilang unang tat-long laro sa 2-year-old Chase Center, kabilang ang pares ng blowouts noong nakaraang season.
RAPTORS 144,
KINGS 123
Naitala ni Fred VanVleet ang 16 sa kanyang 34 points sa third quarter upang pangunahan ang Toronto Raptors sa panalo laban sa host Sacramento Kings.
Ito ang pinakamaraming puntos para sa Raptors sa isang regulation game kung saan kumamada sila ng 20 of 39 (51.3 percent) mula sa 3-point range.
Nagdagdag si Chris Boucher ng 23 points, kabilang ang 10 sa third quarter, para sa Raptors na pinutol ang three-game losing streak.
HORNETS 118,
PELICANS 110
Tumipa si Gordon Hayward ng 26 points upang pangunahan ang anim na Charlotte players sa double figures nang gapiin ng Hornets ang host New Orleans Pelicans.
Nag-ambag si Miles Bridges ng 20 points, umiskor si Devonte’ Graham ng 17, gumawa si Terry Rozier ng 15, at nag-ambag sina rookie LaMelo Ball ng 12 points at 10 rebounds at Bismack Biyombo ng 11.
Nakakolekta si Zion Williamson ng 26, tumapos si Josh Hart na may 19, umiskor sina Brandon Ingram at JJ Redick ng tig-17 at nagtala si Steven Adams ng 13 para sa Pelicans, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan upang tapusin ang four-game homestand bago sumalang sa seven-game road trip.
THUNDER 101,
KNICKS 89
Naitala ni Hamidou Diallo ang 11 sa kanyang season-high 23 points sa fourth quarter nang pataubin ng bisitang Oklahoma City Thunder ang New York Knicks.
Nagdagdag din si Diallo ng season-high 11 rebounds sa kabila na galing sa bench para sa Thunder, na binura ang 11-point deficit sa first quarter tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Kumamada rin si Shai Gilgeous-Alexander ng double-double na may 25 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Al Horford ng 15 points at 8 assists.
CELTICS 116,
WIZARDS 107
Tumabo si Jayson Tatum ng 32 points at nagdagdag si Jaylen Brown ng 27 upang tulungan ang kulang sa taong Boston Celtics na dispatsahin ang bisitang Washington Wizards.
Nakalikom si Marcus Smart ng 13 points, nag-ambag si Payton Pritchard ng 11 at tumipa si Daniel Theis ng 10 para sa Celtics na nanalo sa ika-6 na pagkakataon sa kanilang huling pitong laro. Nagdagdag si Brown ng game-high 13 rebounds.
Comments are closed.