SANG-AYON kay Rodjun Cruz, natural reaction lang ng kanyang fiancee na si Dianne Medina ang maging “emotional” kapag kamag-anak nito ang nalalagay sa alanganin. Especially so that she considers Maxine to be her real sister.
Anyway, sa media conference ng upcoming GMA-7 prime-time series One of the Baes kamakailan, nilinaw ng aktor ang panig ng kanyang fiancée sa nangyari.
“Para sa akin, bilang family, maiintindihan mo rin si Dianne dahil hindi naman biro talaga na gawin ‘yun. Lalo na, siyempre parang kapatid niya talaga si Maxine… dikit sila, e.”
Normal reaction lang daw na ipagtatanggol nito ang kanyang kapamilya. Idinagdag pa ni Rodjun na hindi lang daw magkapatid ang mga ina nina Dianne at Maxine, kundi magpinsan pa ang mga ama ng dalawang aktres.
Rodjun added that Dianne and Kylie are not on speaking terms because they are not familiar with each other.
“Never pa naman talaga sila nagkikita, face to face. Hindi naman sila nag-uusap,” he intoned.
If Maxine and Kylie were able to move on already, the same thing can be said with Dianne.
“Si Dianne naman, kung ano din ‘yung desisyon ng pinsan niya, naka-support lang siya all the way kay Maxine.”
Hindi naman daw talaga palaaway si Dianne at mabait itong tao.
“Si Dianne, nag-serve rin siya sa Church. Normal lang, tao lang. Siguro naging emotional lang siya.
“Pero after nun, idinadasal mo na lang, ino-offer mo na lang lahat kay Lord.”
Samantala, excited na pinagsabay ni Rodjun ang taping niya ng One of the Baes sa preparations ng kasal nila ni Dianne sa December 21 ngayong taon, na gaganapin sa Manila Cathedral.
Natural, kabilang sa entourage ni Dianne si Maxine.
Palabas na nga pala sa Lunes, (September 30) ang One of the Baes, where Rodjun would essay the role of Rita’s ex-boyfriend who happens to be the lead actress at the serye with leading man Ken Chan.
BANGGAANG BRIANNA AT MAYI
NAKATUTUWA ang latest episode na napanood namin sa Prima Donnas.
Tuhog ang eksena at nakita talaga ang acting ability nina Jillian Ward (Donna Marie/Mayi) at Elijah Alejo (Brianna).
Nilait-lait talaga ni Brianna si Mayi at tinawag na patay gutom ito, certified pulubi, at kung anu-ano pang panglalait sa pagkatao nito.
Minamaliit rin nito ang pagsasalita ng Tagalog ni Mayi, na sinagot naman nitong, she can afford to speak in English but she’d rather not since we are living in the Philippines and Pilipino happens to be our language.
Na tipong ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda.
Hinampas siya ng halaman ng impaktang si Brianna pero naagaw niya ito at lumuluhang nagsalitang hindi raw siya pag-aari ni Brianna.
Nahambal ang mataray na bata Hahahaha. Sa soap lang naman ito at hindi sa tunay na buhay.
Anyway, pinakita ni Mayi na in spite of poverty, she’s got dignity. At kung hindi lang siya nag-aalangan dahil amo niya si Brianna baka nakatikim na ito sa kanya.
Habang nagtatagal ang soap na ‘to na napanonood right after Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, parang nahihirapan na kaming bumitaw.
Kung ang ibang soap operas ay maudlin at mawkish ang acting ng mga artista, in this soap, swabe at cool ang acting ng mga artista, kahit na ang kontrabidang si Kendra (Aiko Melendez) at ang lady-like na si Lady Primavera as delineated by the ageless Chanda Romero, ay flawless ang acting.
Honestly, I love to watch this soap on a day to day basis and I feel the intensity of every performer every time they face the camera.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!